Una sa Balita

‘For slim only’ na karatula sa UV Express, bawal!

By
0 308

Posibleng ipatawag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB (LTFRB) ang mga UV express na mahuhuling may signboard o karatulang “for slim only” na tumutukoy sa harapang upuan ng sasakyan.

Ito ang babala ng LTFRB makaraang tumanggap ng mga reklamo mula sa mga mananakay na mayroong mga signboard na nakikita ngayon sa mga UV Express.

Sabi ni LTFRB Board Member Atty. Ariel Inton bawal ang diskriminasyon sa mga mananakay dahil malinaw na pag-alipusta at ipinagbabawal ito salig sa Joint Administrative Order (JAO) ng LTO at ng LTFRB.

Ayon kay LTFRB Board Member Atty. Ariel Inton, may nakarating sa kanyang sumbong na may mga stickers na inilalagay sa mga frontseat ng mga UV Express na nagsasaad na ‘slim only’ na ang ibig sabihin ay bawal umupo sa tabi ng driver ang mga matatabang pasahero.

May mga pagkakataon din na hindi pinapayagan na umupo sa front seat ang mga lalaki.

Diin ni Inton, ang pamimili ng pasahero base sa itsura, o kasarian, o edad o pisikal na kaanyuan ay ipinagbabawal base sa anti-discrimination act lalo at dahil ang sasakyan na kanilang minamaneho ay public utility vehicle (PUV).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More