Una sa Balita

‘Ferdie’ victims sinaklolohan

By
0 4

Inihayag ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar na kumilos na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para tulungan ang mga biktima ng bagyong Ferdie sa Batanes.

Partikular umano ang aksyong ginawa ng DSWD ayon kay A­ndanar ay ang pagsasailalim sa stress debriefing sa mga biktima ng bagyong Ferdie sa nasabing lalawigan.

“The DSWD is now conducting stress debrie­fing to help relieve the stress and trauma experienced by the victims of Typhoon Ferdie,” pahayag ni Andanar.

Kinumpirma rin ni Andanar na limang social worker na sinanay sa mga kritikal na insidente ang idineploy na sa iba’t ibang barangay sa Batanes upang matulungan ang mga biktima ng bagyo.