Una sa Balita

‘FASTEST MAN’

0 131
rio-olympics-usain-bolt
Nagdiwang si Usai­n Bolt ng Jamaic­a matapos magwagi sa 100m ng Rio Olympic Games. (AFP)

RIO DE JANEIRO (AFP) — Hinawi ni Usain Bolt ng Jamaica ang mga karibal tungo sa paghablot sa ikatlong sunod na Olympic 100m title at ideklara ang sarili sa nalalapit na pagiging ‘immortal’ sa pagtatapos ng Rio Games.

Mainit pa mula sa resulta ng sensational 400m world record ni South African Wayde van Niekerk, hinabol, inabutan at nilampasan ni Bolt ang American rival na si Justin Gatlin upang angkinin ang ginto sa tiyempong 9.81 seconds.

Nagdiwang si Bolt sa unang tagumpay, at pagkatapos ay magpopokus na sa susunod niyang event, ang 200m, gayundin sa 4x100m relay upang kumpletuhin ang pagwalis sa tatlong Olympics.

Related Posts

“Somebody said I can become immortal. Two more medals to go and I can sign off.

Immortal,” pahayag ni Bolt na nagsabi ring ito na ang kanyang hu­ling Olympics.

Pumangalawa sa kanya si Gatlin, dalawang beses na-banned sanhi ng doping, para sa silver medal at pangatlo si Andre de Grasse ng Canada.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy