Una sa Balita

‘Di ako aabsent — Pacquiao

By
0 170

Mariing itinanggi ni Sen. Manny Pacquiao na aabsent siya sa trabaho sa Senado para paghandaan ang pagbabalik niya sa professional boxing.

Lumutang ang balitang ito matapos ireserba ni Top Rank boss Bob Arum ang petsang Oktubre 15 sa susunod na laban ni Pacquiao sa Estados Unidos.

Ayon kay Pacquiao, hindi niya sisirain ang pa­ngako noong kampanya na maging “present” sa lahat ng sesyon ng Senado, sa pagsasabing utang niya sa taumbayan ang pagkakapanalo niya bilang senador.

“If ever I decide to fight again, rest assured, it will happen when Congress is on recess so there’s no need for me to go on leave,” pagtiyak ng Pambansang Kamao.

Sinabi pa niya na kapag naikasa muli ang kanyang laban, sa Pilipinas lang siya mag-eensayo upang sa gayon ay makadalo pa siya sa sesyon ng Senado kinahapunan.

“Boxing is my only means of livelihood to support my family and to help those who are in need,” ani Pacquiao. “Politics, to me, is a vocation not a means to eke out a living,” pagtatapos pa niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More