Una sa Balita

‘Bagsak-droga’ bitbit dapat ni PDU30 sa China trip

By
0 98

Upang masiguro na magiging matagumpay ang kampanya laban sa ilegal na droga, iginiit ng isang mambabatas sa Kamara na isama ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa kanyang agenda sa pagbisita sa nasabing bansa sa susunod na linggo ang pagsugpo nito ng supply ng droga na nanggagaling sa kanila.

Sa isang panayam kay Magdalo partylist Rep. Gary Alejano, matagal na umanong validated ng mga awtoridad na ang supply ng ilegal na droga sa Pilipinas ay mula sa China.

“Dapat may action na ginagawa because we just react to the dumping of drug (ng China) to us,” ani Alejano kaya ito na aniya ang pagkakataon ni Duterte na mapatigil ang supply sa gagawin nitong pagbisita sa nasabing bansa.

Naniniwala ang mambabatas na kung mapapatigil ni Duterte ang supply ng droga mula sa China ay magtatagumpay ito sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga sa bansa.

“Nalulungkot ako dahil kahit alam natin na ginagawa ng China sa atin ‘yan, napakabait natin sa kanila. Parang hindi magandang sen­yales ang ibinibigay natin sa China,” ayon pa sa mambabatas.

Ang China ay magdo-donate ng rehabilitation center sa Pilipinas para sa mga sumukong drug addict subalit hindi nagpapasalamat si Alejano sa aksyon dahil kundi umano sa shabu na ga­ling sa kanilang bansa ay hindi malululong ang mga Pinoy sa napakasamang bisyong ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy