‘Yosi ban’ seryoso na

By

Kinalampag kahapon ng isang senador ang Department of Health (DOH) na magsagawa ng masigasig na public information hinggil sa bagong batas kontra sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa buong kapuluan.

“As Senate Health Committee Chair, I am calling on the Department of Health to initiate an intensive media campaign — TV, radio, print, social media, and other information drives — as E.O. No. 26 takes effect to make enforcement less challen­ging,” giit ni Sen. JV Ejercito.

Ayon kay Ejercito, naging epektibo ang smoking ban nang ipa­tupad ito ni Pangulong Rodrigo Duterte noong siya ang alkalde ng Davao City kaya umaasa rin siya na magiging matagumpay din ang implementasyon ng E.O. 26 para sa ‘yosi ban’ sa buong kapuluan.

Suportado ng senador ang ipinairal na ban sa paninigarilyo sa pampublikong lugar dahil ang paninigarilyo ang numero u­nong sanhi ng lung cancer.

“The Department of Health has cited smo­king as a risk factor that accounts for more than 85% of lung cancer deaths. Lung cancer is also the third leading cause of morbidity and mortality in the Philippines,” paliwanag ni Ejercito.

SHARE