Warden sibak sa Cotabato jailbreak

By
29

Bunsod ng naganap na jailbreak sa North Cotabato District Jail (NCDJ) sa Kidapawan City, tuluyan nang sinibak sa puwesto ang Jail Warden nito.

Iniutos ni DILG Secretary Ismael Sueno ang pagsibak kay Jail Warden Supt. Peter Bongat kasunod na rin ng kahilingan ni North Cotabato acting Go­vernor Shirley Macasarte-Villanueva.

Matatandaang nilusob ng armadong grupo ang nasabing bilangguan noong Enero 4 ng hatinggabi na nagresulta sa pagpuga ng may 158 inmates at pagkamatay ng 7 katao.

Napag-alaman na ang tinaguriang biggest jailbreak sa bansa ay inilunsad ng grupo ni Commander Derbi.

Dahil dito, sinibak si Bongat matapos ilabas ang resulta ng initial observations at report tungkol sa insidente, na may indikasyon na may kapabayaan ang opisyal dahilan kaya maaaring isisi sa kanya ang pagtakas ng mga preso.

Sa pinakahuling report, umaabot pa lamang sa 58 ang na-account ng mga awtoridad na inmates kung saan 10 dito ang napatay sa manhunt operation.


SHARE