WALANG BOLAHAN: Walang gana ang mister na OFW (5)

By
4140

Dear Dra. Holmes:

Hello po, Dra. Margie Holmes, I’m Mila, 41 yrs old. I have 4 kids malalaki na po, and my husband is a OFW. I have problems with my husband kasi po kapag umuuwi na po ng Pilipinas nagtataka po ako kung bakit walang gana ‘yung Mister ko na makipagtalik. Tsaka isa pa po hindi na rin ganong tumitigas ‘yung ari niya.

Ano po bang dapat kong gawin para maging maayos ‘yung pagsasama naming mag-asawa, thank you po sana po ay matulungan nyo po ako. Salamat po, Mila

Dear Mila:

Maraming salamat sa iyong sulat. Susubukan kong tulungan kita pero bago ko magawa ‘yan, kailangang na ang pinag-uusapan natin ay pareho, diba? Natanong ko ‘yan dahil, kahit na lahat ay gustong maayos ang pagsasama ng mag-asawa, may iba’t ibang kahulugan ito para sa iba’t ibang tao.

HALIMBAWA:  Napansin mo na hindi na gaanong tumitigas ang ari ng asawa mo. Napansin mo rin na walang gana ‘yung Mister mo na makipagtalik.

Ang kahulugan nito ay maaaring: “Kakainis naman!  Ang tagal-tagal ko nang hindi nakipagtalik, at ngayon na nandtio na ang Mister ko, wala pa ring nangyayari!!” Ang asawang may damdamin na ganito ay mahilig sa pakikipagtalik at talagang tigang siya para sa asawa niya (o sa pakikipgtalik).

Pero para sa ibang Misis, ang rason niya sa mga pangyayari ay: “Bakit kaya siya ganito?!!? Para sa akin, ok lang na walang sex, kahit na masakit tanggapin na hindi na niya ako hinahanap-hanap para rito. Nag-aalala lang ako kung bakit mahina siya. Dahil mayroon na syang ibang babae? Dahil ayoko ng ganun. At kung ‘yan nga ang dahilan, aawayin ko siya.”

Pero mayroon ring mga misis na may katulad na situwasyon sa iyo, pero halos opposite ang reaksyon sa 2 nabanggit ko na: “Tama kaya ang napansin ko? Na hindi na kasing hilig nitong mister ko? Haaaaay, salamat na rin sa Diyos!!  Sa wakas nangyari na!”

Ang mga misis na nagsasalita ng ganyan ay may pagmamahal para sa mga asawa nila, hindi lang sila mahilig magtalik. So walang personalan. Hindi dahil hindi nila mahal o gusto ang asawa nila, kahit sinumang lalake ang manligaw sa kanila, wala silang interes. Mahal nila ang mga mister nila, pero hindi nila hinahanap ang sex. Para sa kanila, kung tumigil na ang pakikipagtalik sa buhay nila, ok na ‘yun para sa kanila. Basta, ok rin ‘yun para sa asawa nila.TO BE CONTINUED


***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook. com/drmargieholmes o sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes


1
2
3
4
5
SHARE