Vitamin, mineral supplements kailangan ba?

813

Kailangan ba talagang mag-vitamins para lumakas at maging masigla?

Kailangan ba talagang dumepende sa dietary supplements?

Totoo. Ang vitamin at mineral supplements ay epektibong paraan para makaiwas sa mga sakit o nakakabawas sa paglala nito. Pero ayon din sa pag-aaral ang sobrang doses ay maaaring masama sa ating kalusugan at mas maganda kung hindi ka nakaasa sa mga ito.

Regular diet at proper exercise pa rin ang mabisang  panlaban sa mga sakit. Ang maayos na lifestyle ay malaking kontribusyon din para maayos ang buhay at mahaba ito.

Ang nutrients ay dapat makuha sa pagkain hindi sa vitamin at mineral supplements. Kung sadyang kailangan nito, dapat may payo mula sa doktor – na alam kung anong klaseng pangangatawan at kalusugan ang mayroon ka.

Ito ang ilang gabay tungkol sa tamang nutrisyon:

Vitamin B12. Makukuha iyan sa mga karne, dairy products at fortified cereals at grains.

Calcium. Makukuha rin ito sa dairy products, gatas, yogurt, soy beans, tofu, sardines, at mga gulay. Ang sobrang calcium (1,000 milligrams per day) ay maaaring may side effects sa kidney stones, heat attacks at maging gastrointestinal distress.

Weight-loss supplements. Hindi ba’t pagsasayang lang ito ng pera? Wala namang shortcuts pag dating sa successful, long-term weight loss.

Kumain lang nang kaunti, mag-ehersisyo at magkaroon ng disiplina sa pangangatawan. Iyan lang naman ang solusyon na epektibo at ligtas pa.



SHARE