UST, La Salle agawan sa no. 4

By
56

Kinaldag ng UST at La Salle ang mga nakatunggali noong Linggo, kaya naman lalong humigpit ang kanilang laban para sa No. 4 slot sa UAAP Season 79 men’s football tournament sa Rizal Memorial Stadium.

Pinadapa ng Grow­ling Tigers ang Adamson University, 4-1 habang pinana ng Green Archers­ ang University of the East, 2-0.

Noong Sabado, ginilitan ng Ateneo ang National­ University, 1-0 upang manatili sa tuktok ng team standings kapit ang 23 points habang ang defending champion University of the Philippines ay tinalbos ang Far Eastern University, 1-0 upang saluhan ang biktima sa second place na may tig 18 puntos.

Solo sa fourth ang UST (13 pts.) dalawang puntos na lamang sa De La Salle na nasa fifth.

Iniskor nina Renz Gumban, Marvin Bricenio at rookie Conrado Dimacali ang pangalawang goals ngayong season habang si Darryl Regala nakalagak ng isang puntos para sa Tigers na may dalawang panalo na sa second round.

Nilista ni Kim Bardaje ang nag-iisang puntos para sa Falcons.


SHARE