Underwater resort sa Palawan tinututulan

By
127

Inilunsad kahapon ng conservation groups at mga concerned citizens ang kanilang online protest kaugnay sa planong pagpapatayo ng underwater resort at theme park sa Palawan.

Ito ay pinangunahan ng Save Philippine Seas, na iniendorso ang isang petisyon na pigilin ang Viacom International Media Networks sa kanilang plano.

Inanunsyo ng US children’s television network na Nickelodeon ang plano nitong pagtatayo ng isang underwater resort at theme park sa Palawan, na kilala bilang “last ecological frontier” ng Pilipinas.

Ayon sa Nickelodeon, ang parke sa Palawan ay magiging bahagi ng 400 ektaryang undersea ­development na magpapakita sa marine life sa nasabing lugar na magbibigay ng pagkakataon sa mga fans na makasala­muha ang kanilang mga paboritong characters.

Kilala ang Nickelo­deon sa pagpapalabas ng sikat na SpongeBob Square pants, Dora the Explorer at maraming iba pang animated shows na patok sa mga bata.

“Coron is not Bikini Bottom!” anang Save Philippines Seas kung saan pinasinungalingan nito ang pahayag ng kompanya na ang theme park ay pagsusulong sa panga­ngalaga ng karagatan.

Ayon sa Viacom na nagmamay-ari sa Nicke­lodeon, inanunsyo ni­lang magbubukas ang nasabing resort sa 2020, na magkakaroon pa ng mga restaurants na nakalubog six meters o 20 feet below sea level.

Gayunman, nanindigan ang Greenpeace na sisirain lamang ng nasa­bing proyekto ang marine ecosystem na kilala sa buong mundo.

Ayon kay Vince Cinches ng Greenpeace Southeast Asia, nakalulungkot at nakababahala ang pagtatayo ng ganito kalaking theme park sa ilalim ng tubig.

Hindi aniya maisusulong ang environmental protection sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga ganitong istruktura.



SHARE