Una sa Balita

TALBOG!!!: TOM-CARLA, BALIK-ROMANSA SA ERE… EDU, ‘BLUFFER’ NA NI EUGENE!

By
0 141
Tom at Carla
Tom at Carla

Hindi pa man umeere ang lahat ng kanilang summer launches, may pa­nibagong pasabog na naman na ila­labas ang GMA. Inilabas na kasi sa gmanetwork.com ang ilan pang programang dapat abangan ng Kapuso viewers ngayong summer.

Magbabalik na nga ang Celebrity Bluff ni Eugene Doming

o at kasama pa niya rito ang kanyang newest celebrity bluffer na si Edu Manzano! Wow naman! Mukhang version 2.0 talaga ito.

Magbabalik-tambalan din sina Tom Rod­riguez at Carla Abellana sa primetime para sa romantic-comedy series na I Heart Davao. Kaya siguradong happy na naman ang kanilang mga fans sa balik-romansa nila sa harap ng kamera.

Habang pinagsamang live action at animation naman ang situational comedy na Alex and Amie na pagbibidahan ni Mikael Daez kasama si Andrea Torres. Kasama rin sa dapat abangan ang  GMA Public Affairs’ 30th Anniversary Special na Sa Serbisyong Totoo, Nabago Ang Buhay Ko ngayong June.

Sigurado ring marami ang mag-aabang sa My Korean Jagiya ni Heart Evangelista; The Good Teacher ni Primetime Queen Marian Rivera; at Alyas Robin Hood Book 2 ni Primetime King Dingdong Dantes at Andrea Torres.

DIREK JOEY, NILOKO NG KASAMBAHAY!

Sa presscon ng Our Mighty Yaya na pinagbibidahan ni Ai Ai delas Alas ay tinalakay ang kaibahan ng role ng mga yaya at mga ina sa mga anak nila. Siyempre iba ang ina dahil kadugo nila ang mga anak nila although may mga ilan na napapabayaan ang mga anak sa pa­ngangalaga ng mga yaya.

At ito ang nagiging dahilan ng ilan na mas malapit ang loob ng mga bata sa mga yaya nila kumpara sa tunay na ina dahil sa kanila lumaki ang mga bata sa kanila.

May mga yaya rin naman na walang compassion sa mga inaalagaan at ginagawa lang nila ang trabaho nila para kumita. Kaya kahit gaano katagal ang mga yaya sa kanilang amo ay dapat may limitasyon pa rin ang pagtitiwala dahil sa sobrang tiwala sa kanila ang nagiging sanhi para gumawa ng hindi mabuti dahil sa mga tukso lalo na sa pera.

Ilan ito sa mga kuwento ni Ai Ai na naranasan niya sa ilang kasambahay na sobra ang tiwala niya. Ganun din naman si Direk Joey Reyes na naka-experience rin ng panloloko sa mga naging kasambahay niya.

Ang Our Mighty Yaya ay ang Mother’s Day Presentation ng Regal Entertainment na ipapalabas sa May 10. With Ai Ai around ay super-comedy ang tema at kaya hindi nahirapan si Direk Joey Reyes sa mga eksena at maski si Ms. World Megan Young na kasama sa pelikula ay walang problema sa pagsasama nila ni Ai Ai. Sa true lang, naaliw kami sa trailer nila, ha!

UGE, SOBRANG IN-LOVE!

Isa sa mga nilu-look forward namin sa TV every week ay si Eugene Domingo dahil sa kakaibang konsepto ng Dear Uge. No wonder lagi itong panalo sa ratings at well-loved ng mga viewers. Kaya naman ang Kapuso comedienne, ibinahagi ang contentment na nararamdaman niya ngayon.

“I’m so in love with my work. I’m so inspired with you know, making people happy, and I have accepted the fact na my mission here in my life is to make people at least smile ‘di ba,” sey niya.

Nakakatuwa naman si Uge at talagang kitang-kita kung gaano siya ka-down-to-earth.

D’ORIGINALS, TRENDSETTER AGAD!

Matapos umarangkada sa kanilang pilot week, may bagong pa­sabog na dala ang cast ng D’Originals. Balita kasi namin, susu­god sina LJ Reyes, Kim Domingo, Mark Herras, Katrina Halili, Meg Imperial, Arny Ross at Elyson De Dios sa SM City San Jose Del Monte Bulacan ngayong Sabado para sa isang mall show.

Siguradong trending performances ito lalo pa’t trendsetter agad na maituturing ang cast ng dramedy series na ito. Join us there, mga Kapuso!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy