Una sa Balita

Sundalo itinumba sa basketbolan sa Sorsogon

By
0 151

Patay ang isang mi­yembro ng Philippine Army (PA) matapos itong malapitang pagbabarilin ng dalawang hindi pa kila­lang kabataang lalaki habang nanonood ng basketball kamakalawa ng hapon sa Matnog, Sorsogon.

Dead on the spot sanhi ng tinamong pitong tama ng bala ng kalibre .45 baril ang biktimang nakilalang si Tsgy. Jerry Genavia Gali­leo, 55, miyembro ng PA na nakadestino sa Radar station sa Barangay Pangi ng nabatid na bayan.

Samantala parang wa­lang anumang naglakad palayo ng lugar ng insidente ang dalawang lala­king suspek na tinata­yang nasa edad 18 hanggang 23-anyos matapos masigurong wala ng buhay ang biktima.

Sa ulat ng Sorsogon Police Provincial Office (PPO), naganap ang insidente dakong alas-singko ng hapon habang nasa kasarapan ng panonood ng laro ng basketball ang biktima sa basketball court sa Barangay Pangi ng lapitan ito ng mga suspek.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy