HEALTH FRONTIERS: Sumusuko agad (3)

By
745

Ako ay 52-anyos at taga-Batangas. Ano ang mabisang gamot kasi si Manoy ay humihina na sa laban? Pakiramdam ko ay malakas siya pero sabi ng partner ko ay malambot naman. Bakit kaya ganun? Minsan habang nakikipagtalik kami ay bigla na lang lalambot. Sana matulu­ngan niyo ako. Salamat at more power sa iyo! — Name withheld.

***

Okay lang na walang gana si Manoy pamin­san-minsan. Nangyayari ito sa kahit sinong lalaki. Pero kung madalas ito, mukhang meron kang erectile dysfunction (ED) o impotence. Ito ang kawalan ng kakayahan na makipagtalik.

Dahil dito, maaring hindi tumitigas ang ari, titigas pero madaling mawala at mahina ang iyong sex drive.

Kumunsulta agad sa doktor dahil kapag pinaba­yaan, nagdudulot ang ED ng stress, nagpapababa ng pagtitiwala sa sarili at maa­ring makaapekto sa pagsasama kay misis.

Pwede rin na sintomas ito ng sakit sa puso o ibang karamdaman. Ilan sa mga sakit na nagpapalambot kay Manoy ay mataas na cholesterol, baradong ugat (atherosclerosis), altapresyon, diabetes, Parkinson’s disease at multiple sclerosis.

Pwedeng manggaling ang ED sa mga iniinom na gamot, paninigarilyo at alak. Mararanasan ito ng mga taong hindi makatulog, nag-paopera o nagpapagamot dahil sa prostate cancer o mala­king prostate.

Kung walang makitang physical na dahilan, baka naman psychological ang sanhi ng ED. Maaring sanhi ito ng depresyon, pagkakaba­hala o problema sa pag-iisip.

Meron din kinalaman ang stress at problema kay misis o sa pamilya.

Sino ang madalas magkaroon ng ED? Anu-ano ang dapat iwasan para hindi tamaan nito? Alamin bukas sa Abante!


***

May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-e-mail kay George Nava True II sa georgenavatrue @yahoo.com, mag-text sa 0935-972-0691 o mag-iwan ng message at i-like ang kanyang Facebook page Health Frontiers Online. Sasagutin niya ang mga tanong niyo dito. Si George ay beteranong health columnist at author ng 3 health books.


1
2
3
SHARE