THE SOURCE: ROBIN, TALO SA KASO VS. GMA!

By
538

Abswelto ang GMA Network sa civil case na isinampa ni Robin Padilla noong July 2016. Nag-ugat ang kaso sa report ng Balitanghali ng GMA News TV na nasamsam ang liquid shabu na nagkakahalaga ng P1.125 billion sa isang bahay sa Angeles City na dating pag-aari ng aktor.

Sinampahan ni Robin ng kaso sina GMA President at Chief Operating Officer Gilberto Duavit, Jr., GMA News reporter Emil Sumangil at GMA News Online editor-in-chief Jaemark Tordecilla dahil nakasira sa kanyang reputasyon at integridad bilang public figure ang report.

Ibinasura ng Manila Metropolitan Trial Court Branch 5 ang reklamo ni Robin na hiniling sa korte na magbayad ang respondents ng P1 in moral damages, P1 in temperate at P100,000 in exemplary damages.

Sa report ng 24-Oras, pinawalang-­sala ang mga akusado dahil hindi paninirang puri ang balita na inilabas ng Balitanghali at hindi napatunayan na nakaapekto ito kay Robin.

Sinabi rin sa desisyon ng korte na walang sapat na ebidensya para mapatunayan na may malisya ang report ni Sumangil at ginawa ito para siraan si Robin.

‘LakBryan’, malayo sa drama nina Ahron at Ken!

Nagpapasalamat ang singer-actor na si Bryan Termulo kay Aileen Choi-Go, ang Marketing Vice President ng Megasoft Hygienic Products Inc. dahil sa pagpili sa kanya bilang ambassador ng School Is Cool advocacy ng nabanggit na kompanya.

Ideal ambassador ng School is Cool si Bryan dahil malaki ang pagpapahalaga niya sa edukasyon at ebidensya ang pagtatapos niya ng Communication Arts sa Trinity University of Asia at ang pangarap niya na maging high school ­teacher na malapit nang magkaroon ng katuparan.

Si Bryan ang performer sa lahat ng mga school na binibisita ng Megasoft at kasama siya sa pagbibigay ng assistance at pagkilala sa outstanding students at teachers.

Pinangunahan ni Bryan ang kick off ng School Is Cool tour ng Megasoft sa Lauro D. Dizon Memorial National High School sa San Pablo City, Laguna noong January 9 at kahit hindi na siya napapanood sa mga teleserye, mainit ang pagtanggap sa kanya ng mga tao.

Hindi lamang ang activities ng Megasoft ang pinagkakaabalahan ni Bryan dahil napapadalas din ang pagbiyahe niya, pero hindi siya katulad nina Ahron Villena at Ken Alfonso na inililihim ang mga kasama sa bawat bakasyon sa ibang bansa.


Ayon kay Bryan, solo siya na bumibiyahe at noong nakaraang taon, labing-isang bansa ang kanyang napuntahan. Dokumentado ang lahat ng mga lugar na binisita ni Bryan na tinawag nito na “LakBryan.”

“Kadalasan, mag-isa lang ako. Gumagawa ako ng videoblog sa YouTube Channel ko. Frustration ko na magkaroon ng travel show.

“So far, nakaka-10 episodes na ako. Regrets ko nga lang, sana kung ginawa ko ito from day one na nagta-travel ako, siguro meron na akong 28 episodes,” ang kuwento ni Bryan tungkol sa kanyang bagong kinahihiligan.

Kapag bumibiyahe siya, sinisiguro ni Bryan na hindi lalampas sa isang ­linggo at sa P30,000 ang gastos niya kaya napupuyat siya sa pag-aabang ng mga ­promo fare.

Aileen Choi Go at Bryan Termulo
Aileen Choi-Go at Bryan Termulo

“Typically na backpacker ang itsura ko kasi meron akong facial hair doon (sa mga vblog). Hindi talaga ako nag-aahit.

“Parang typical na travel show na nakikita natin sa mga NatGeo. Gusto ko ‘yon, at the same time, na-e-educate ka rin. Kapag nagpunta ka doon, maraming question. Bakit ganito sila?

Bakit kami hindi ganito? So, isa-isa mo siyang nasasagot. Isa-isa mo siyang maikukuwento sa video mo,” ang additional information ni Bryan tungkol sa bisyo niya na magbiyahe.

Ang Iran, Ecuador, Russia, Mexico at Peru ang ilan sa mga bansa na narating na ni Bryan na regular na napapanood tuwing Sabado sa early morning television show ng ABS-CBN, ang Salamat Dok.


SHARE