THE SOURCE: ‘PATAY’ NA JESSY, KUMALAT SA US!

By
340

Jessy at Arci

Ngayon ang opening day sa mga sinehan ng Extra Service, ang Star Cinema na pinagbibidahan nina Arci Muñoz, Coleen Garcia at Jessy Mendiola.

May kanya-kanyang isyu ang female stars ng Extra Service, ang pag-alis ni Arci sa Viva Artists Agency at ang paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend, ang engagement ni Coleen kay Billy Crawford at ang kumalat na balita sa Amerika na namatay si Jessy na walang bahid ng katotohanan at obvious na ikinalat ng haters niya.

Hindi malaking kawalan sa Viva ang pag-alis ni Arci dahil tanggap nila na stars come and go.

Nakatuon ngayon ang atensyon ng Viva kay Phoebe Walker, ang best supporting actress ng 42nd Metro Manila Film Festival dahil sa pagganap niya bilang Madre Cecilia sa Seklusyon, ang pelikula na humakot ng pinakamaraming parangal sa MMFF awards night noong December 29, 2016.

Bago pa siya nanalo ng acting award, may gagawin na pelikula si Phoebe, kasama ang isang former beauty queen at tomboy ang gagampanan niya na karakter.

May nagsabi sa amin na baka hindi na matutuloy ang project dahil may iba nang plano para kay Phoebe ang Viva Artists Agency. Definitely, maganda at malaki ang plano para sa showbiz career ng sexy actress na matagal na naghintay ng break.

PHOEBE WALKER,
SUSUBOK SA HOLLYWOOD!

Phoebe Walker

May dapat ipagpasalamat si Phoebe Walker kay Elora Espano, ang co-star niya sa Gayuma, ang indie movie na official entry sa QCinema International Film Festival noong 2015.

Nang magpatawag ang direktor na si Erik ­Matti ng audition para sa mga magbibida sa Seklusyon, isa si Elora sa mga sumali at nag-submit ng video footage ng Gayuma.

Si Phoebe ang napansin ni Matti nang panoorin nito ang audition video ni Elora kaya ipinatawag niya ang baguhang aktres. The rest is history.

Si Phoebe ang napili para sa role ni Madre ­Cecilia at si Elora ang gumanap na apparition ni Virgin Mary.


Nang makausap namin si Phoebe, naikuwento niya ang plano na subukan din ang kanyang ­kapalaran sa international scene.

“Kung puwede nga ako na magpasa ng ­audition for Hollywood,” ang sabi ni Phoebe na natawa sa aming suggestion na sabihan si Elora na magpa­dala sa Hollywood ng audition videos dahil tila ang kanyang co-star sa Gayuma at Seklusyon ang lucky charm niya.

“Si Elora, hahahaha! Yes, siya ang dahilan. Siya nga,” ang natatawa na sagot ni Phoebe.

‘Best’ at ‘T’ sa MMFF trophy
ni Phoebe, waley na!

Hindi pa natatanggap ni Paolo Ballesteros ang best actor trophy niya mula sa 42nd ­Metro Manila Film Festival dahil kahapon pa ­lamang sila magkikita ng Die Beautiful director na si Jun Lana.

Hindi dumalo si Paolo sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2016 dahil masama ang pakiramdam niya kaya si Lana ang umakyat sa stage at tumanggap ng kanyang acting trophy.

At dahil wala pa sa kamay ni Paolo ang MMFF best actor award, hindi niya alam kung nakadikit pa sa trophy ang mga letter sticker.

Hindi matibay ang pagkakadikit sa mga letra kaya natatanggal ito tulad ng nangyari sa best supporting actress trophy ni Phoebe na missing na ang BEST word at ang T letters sa supporting actress words.

Tila madodoble ang gastos ng MMFF 2016 dahil sinabi ni Phoebe na mock o replica lamang ang ibinigay sa kanya at papalitan ito ng bago.

“At the end of the night, siyempre, nakiki-picture ‘yung mga tao and then, medyo nahawak-hawakan ‘yung trophy (kaya natanggal ang mga letra) pero okey lang, kaya naman siyang ayusin.

“But I was told na that was not the real thing. Me­ron daw talaga silang ibibigay. That’s just a mock…

“Hindi naman ibabalik. Bibigyan lang ako ng bago with the proper one na with my name so ­happy na ako. Puwede ko nang i-display sa bahay,” ang kuwento ni Phoebe na hindi nag-iisa dahil natanggal din ang mga letra sa mga trophy ng ibang mga nanalo sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2016.


SHARE