Una sa Balita

THE SOURCE: MS. PH-EARTH 2012, TSUGI SA BB. PILIPINAS!

By
0 205

stephany-stefanowitzHindi pinalad na makasali sa 40 official ­candidates ng Bb. Pilipinas 2012 si Miss Philippines Earth 2012 Stephany Stefano­witz kaya disappointed ang mga supporter niya.

May kinalaman ang edad ni Stefanowitz kaya nalaglag siya sa Bb. Pi­lipinas 2017. Kasama si Stefanowitz sa Top 55 candidates ng Bb. Pilipinas 2017 pero naligwak nang piliin ang 40 official contestants sa Kia Theater noong Martes.

Twenty-seven years old (27) na si Stefa­nowitz at sa October 29, turning 28 years old na siya kaya lampas na siya sa age requirement ng mga international beauty pageant.

“At least 18 and under 27 years of age before January 1st in the year they hope to compete in the Miss Universe” ang batas na ipinatutupad ng Miss Universe Organization tungkol sa age limit ng mga kandidata.

“If Miss Universe is open to accept candidates until they reach 28, why can’t our local pageants do the same?” ang reaksyon ni Stefanowitz sa naging kapalaran niya.

Dapat basahin ni Stefanowitz ang frequently asked questions sa Miss Universe para maintindihan niya ang desisyon ng Bb. Pilipinas Charities Inc., ang organizer ng Bb. Pilipinas.

Ang sarili ang dapat sisihin ng former Miss Philippines Earth winner dahil hinintay pa nito na tumuntong sa edad na 27 bago siya nagpasya na su­mali sa Bb. Pilipinas.

Kung ginawa niya ang pagsali noong nakaraang taon, natupad sana ang kanyang pangarap na maging contestant ng Bb. Pilipinas.

Besides, nanalo na siya ng beauty title noong 2012, ang Miss Philippines Earth, naranasan na niya na maging beauty queen at higit sa lahat, hindi masama na magparaya siya sa ibang mga kababaihan na nangangarap din na maging beauty titlist.

Sirene Sutton, patok sa Bb. Pilipinas!

Pasok sa Top 40 ng Bb. Pilipinas si Mariel de Leon, ang anak nina Sandy Andolong at Christopher de Leon; ang ex-girlfriend ni Jake Cuenca na si Chanel Olive Thomas na runner-up sa Miss Philippines Earth 2015; ang Asia’s Next Top Model Cycle 2 contestant na si Katarina Rodriguez; ang Miss World Philippines 2014 4th runner-up na si Rachel Peters at ang Bb. Pilipinas 2016 2nd runner-up na si Jehza Mae Huelar.

Labing-walo sa mga kandidata ng Aces & Queens ang kasama sa Top 40 pero isang kandidata na first runner-up sa Miss Global Philippines 2014 ang hinuhulaan na malaki ang tsansa na magkaroon ng puwesto sa Bb. Pilipinas 2017, ang Filipina-British na si Sirene Sutton na tinutulungan ng make-up artist na si Bambbi Fuentes.

Kasing-payat ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere at potential winner ang description ni Bambbi kay Sutton.

MARX, UNFAIR SA TAWAG NA ‘BOYFRIEND LANG NI MAXINE’!

Dahil sa relasyon niya kay Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina, napansin ng publiko ang model/actor na si Marx Topacio.

‘Yun nga lang, boyfriend ni Maxine ang pagkakilala kay Marx ng mga tao, kahit nauna siya na pumasok sa showbiz at  regular na napanood sa mga project ng pumanaw na direktor na si Wenn Deramas.

Kasali na si Marx sa cast ng Encantadia at gagam­panan niya ang role ni Azulan na unang binigyang-buhay ng singer na si Jay-R sa 2006 version ng top rating telefantasya ng GMA 7.

Bago pa naging beauty queen si Maxine, kilala na si Marx sa modeling world at tulad niya, naranasan ng kanyang girlfriend na maging bitplayer.

Napanood si Maxine sa Beauty in a Bottle, ang 2014 satirical comedy drama movie ng Star Cinema na pinagbidahan nina Angelica Panganiban, Angeline Quinto at Assunta de Rossi.

Kahit papaano, may mga achievement na rin si Marx sa modeling kaya unfair na tawagin lang siya na boyfriend ni Maxine. May pangalan si Marx, hindi lamang siya boyfriend ni Maxine.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy