Sinirang mosque, motibo sa jail break

By
32

ZAMBOANGA CITY — Nagsa­lita na ang rebel commander na lumusob sa North Cotabato District Jail sa Kidapawan City at inamin na paghi­higanti ang ginawa ng grupo nito matapos umanong sirain sa loob ng bilangguan ang mosque doon.

Sa ekslusibong panayam ng Brigada radio kay Commander Esmael Nas­ser ay ginawa pa umanong tambakan ng basurahan ang sinirang mosque, ngunit mariin namang itinanggi ni Jail Warden Peter Bungat.

Pinasinungalingan din ni Nasser na mahigit 100 armado ang kasama nitong lumusob sa bilangguan noong nakaraang linggo at tanging 8 lamang umano sila.

Ang pagsira sa mosque ang nagtulak umano kay Nasser na lusubin ang bilangguan at pakawalan ang mga kasamahang Muslim na nakapiit doon.

Isa umanong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front si Nasser. Mahigit sa 150 inmates ang pumuga sa naturang paglusob na ikinamatay ng 5 katao. Nasa 70 na rin ang nadakip.


SHARE