Robredo walang balak agawin ang puwesto ni Duterte

By
317

Wala umanong plano si Vice President Leni Robredo na angkinin ang puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paglilinaw ito ng kampo ni Robredo kasunod ng pahayag ni Duterte na nagmamadali ang bise presidente na maging pangulo ng bansa.

Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez, walang katotohanan ang paratang ng pangulo dahil galing mismo sa bibig ng pangalawang pangulo na wala sa kanyang plano na agawin ang posisyon sa Malacanang.

Muling bumanat si Duterte sa kanyang pagharap sa Filipino community sa Myanmar na masyadong nag-aapura si Robredo na maging pangulo ng bansa.

Sinabi ni Hernandez na naka-focus ngayon si Robredo sa kanyang trabaho bilang bise president at tuloy-tuloy ang adbokasiya at kampanya nitong tulungan ang mga ina ng tahanan at mga mahihirap na mamamayan.


SHARE