Raikko at Marco, pagalingan umiyak!

By
61

Kapwa nai-launch bilang mga child stars sa sarili nilang mga teleserye sa ABS-CBN 2 sina Raikko Mateo at Marco Masa.

Si Raikko ay nagbida sa teleserye na Honesto noong 2013 at si Marco naman ay nagbida sa Nathaniel noong 2015.

Gumawa na rin ng ilang mga pelikula sina Raikko at Marco. Si Raikko ay lumabas na sa mga pelikulang Feng Shui 2, Resureksyon, Beauty and the Bestie at ang upcoming na Once In A Lifetime.

Si Marco naman ay napanood sa mga pelikulang Moron 5.2 The Transformation, Maria Leonora Teresa, Maybe This Time at And Huling Henya. Ngayon ay magbibida na sina Raikko at Marco sa pelikulang Tatlong Bibe kunsaan kasama pa nila ang The Voice Kids season 1 grand champion na si Lyca Gairanod.

Parehong happy sina Raikko at Marco sa pagbida nila sa Tatlong Bibe. Kahit na raw hindi ang home film studio nila na Star Cinema ang gumawa ng project na bida sila, hindi naman daw nalalayo ang pagdirek ni Joven Tan sa mga dekalidad na pelikula ng Star Cinema.

Nilinaw naman ni Direk Joven na hindi comedy ang Tatlong Bibe kundi isang drama ito na tungkol sa mga maliliit na milagro na nagaganap sa ating buhay araw-araw.

“Hindi ko na ginawang comedy ang Tatlong Bibe kasi wala kang masyadong maiikutan doon. “Kaya naisipan kong gawin itong drama.

“Mas maraming makaka-relate dahil nangyayari sa buhay natin araw-araw ang mga eksena rito,” say pa niya.

Nagpamalas nga raw ng husay sa mga drama scenes sina Raikko, Marco at Lyca. Hindi raw nahirapan ang kanilang direktor.

“Sanay na po akong umiyak on cue,” mabilis na sagot ni Raikko.


“Kapag sinabi po sa akin na iyak ka sa eksenang ito, nagagawa ko po.”
Si Marco naman ay nasanay na rin sa mga mabibigat na mga eksena.

“Hindi po madaling umiyak pero kinakaya ko po. Natutunan ko po iyon sa mga naging direktor ko sa teleserye at pelikula.”

Kasama rin sa Tatlong Bibe sina Eddie Garcia, Rita Avila, Edgar Allan Guzman, Sharlene San Ped­ro, Victor Neri, Luis Alandy at Mommy Dionisia Pacquiao.


SHARE