Ang Gilas Pilipinas squad na sumikwat ng gold sa katatapos na SEABA Men’s Championship sa Araneta Coliseum. Ang Jones Cup sa July ang sunod na aasintahin ng Nationals na pasok na sa FIBA Asia Cup sa August. (Patrick Adalin)

Asahan ang serye ng negosasyon at yugto ng usapan para sa susunod na kakampanyahan ng Gilas Pilipinas makalipas ma-sweep ang seven-nation, weeklong 12th SEABA Men’s Championship sa Araneta Coliseum kamakalawa.

Pagkarampa sa Indonesia 97-64 na kumumpleto sa pagwasiwas ng Nationals sa anim na mga oposisyon sa winning margin average na 58.6 points, inihayag ni Chot Reyes na ang panibagong negotiations at round of talks ay para sa Samahang Basketbol ng Pilipinas at Philippine Basketball Association, at maging sa kampo ni naturalized Andray Blatche.

“We really don’t know kung anong mangyayari. So now that we’ve gotten this, we have to sit down to figure out a schedule, because he also has a tournament, he has obligations in China in the CBA,” hirit ni Reyes.

Nakakontrata rin si Blatche sa Xinjiang Flying Tigers sa Chinese Basketball Association, samantalang ang isa ring plano ng SBP na kumuha ng isa pang naturalized sa katauhan ni Blackwater import Greg Smith ay matagal sa lima-anim na buwang proseso.

Sunod sa radar ng Pinoy quintet ang 39th William Jones Cup sa July 14-24 sa Taipei, Taiwan, 29th Southeast Asian Games sa Aug. 19-31 sa Kuala Lumpur, Malaysia, at ang tutukan nilang 29th FIBA Asia Cup sa Aug. 10-20 sa Lebanon, na qualifier para sa 18th World Cup sa China sa 2019 at possible ring magpabalik sa mga Pilipino sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.

Dahil aniya sa bagong pinatutupad na home-and-away format sa World Cup qualifying, apektado ang lahat ng iba’t ibang liga sa lahat ng panig ng daigdig gaya ng NBA, CBA at PBA.
Kaya nasilip din ni Reyes ang ginagawa ng Chinese.

“If you notice, China has built two national teams.

They have built two Chinese national teams, purposely because of the window, the World qualifying schedule.

We really don’t know how that’s going to affect Andray’s schedule, so hindi pa natin alam,” panapos niya.

SHARE