PATAFA athletes maghahasa sa Hong Kong

By

Sasailalim ng 6-7 week training camps at lalahok sa dalawang kumpetisyon ang 20 national athletes at limang national coaches ng Philippine Athletics Track and Field Association sa Hong Kong Sports Institute bilang paghahanda sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Aug. 19-30.

Napag-alaman kay PATAFA Secretary General Reynato Unso na na-finalize ang desisyon para ipadala ang 25 katao roon pagkaraan ang pulong nila kay Hong Kong Athletic Association chairman Kuan Kee.

Susulong ang training camp sa June 4-July 15, kabilang sa lineup ng players sina Edgard Alejan, Jr., Tyler Ruiz, Clinton Bautista, Trenten Beram, Melvin Calano, Mark Harry Diones, Kenny Gonzales, Mervin Guarte, Anfernee Lopena, Eloiza Luzon, Zion Rose Corrales Nelson, Elbren Neri, Kayla Anise Richardson, Katherin Khay Santos, Janry Ubas, Jomar Udtohan, Patrick Ma. Unso, Marco Vilog, Francis Medina, at Michael Del Prado.

Sa limang coaches naman ay sina John Lozada, Danilo Fresnido, George Noel Posadas, Rohsaan Griffin, at si Unso rin.

Unang tinakda ng PATAFA na ipadala sa West Coast, Australia ang mga atleta pero napilitang ili­pat na lamang sa Hong Kong dahil sa naganap na matinding pagbaha sa Down Under.

Hindi kasama sa dele­gasyon si Marestella Torres-Sunang dahil lalaro sa tatlong leg ng Asian Athletic Association Grand Prix, at ang batang pole vaulter na si Ernest John Obiena na patuloy ang pagsasanay sa ilalim ng kilalang coach na si Vitaly Petrov ng Ukraine.

SHARE