PAL accident sa KIA sisilipin

By
135

Nagdispatsa ng mga imbestigador ang Ci­vil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) mula sa office of Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) upang alamin ang naganap na aksidenteng kinasasangkutan ng Airbus A320 ng Philippine Airlines (PAL) sa Kalibo International Airport (KIA) kamakalawa ng gabi.

Base sa panguna­hing ulat na natanggap ng CAAP mula kay Efren Nagrama, Area Manager Vl, isang Airbus A320 na ino-operate ng PAL na galing sa Cebu-Mactan Airport patungo sa KIA ay nagkaroon ng engine trouble habang lumalapag ito sa runway bandang alas-10:50 ng gabi

Ayon kay Nagrama, matiwasay naman na nakalapag ang nabanggit na flight at walang pasaherong nasaktan.

Ang eroplano ay pan­samantalang naka-park sa rampa ng KIA habang hinihintay ang mga aircraft mechanic na magmumula pa sa Manila.

Kaugnay nito, nakakalapag ang mga commercial airlines na luma­lapag sa Ninoy Aquino Internaional Airport (NAIA) ramp kahit na may low pressure area­ (LPA) dala ng sama ng panahon.


SHARE