PAISTARAN: LUIS, NAAKSIDENTE!

Jessy, super-affected! “Kawawa naman ang love ko!” -- Jessy

By

Matapos maglabasan sa social media ang pagkatamis-tamis na lam­bingan nina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa Batangas, umuwi ng Maynila ang anak ni Cong. Vilma Santos na pilay ang isang paa.

“Hello Sprain, mo-ka!!! (Gusto ko sanang sabihin na na-sprain ako dahil may mga tinulungan ako sa nasusunog na building, kaso ang totoo, namali lang ako ng tapak mula sa mataas ng sidewalk…shet),” unang caption ni Luis sa photo ng paa niya na maga at may bukol.

At bilang close naman sila ni Alex Gonzaga, ­siyempre pa ay nag-comment ang dalaga sa namamaga na paa na `yon ni Luis.

“Naku sana wala naman nangyari dun sa sidewalk. Kawawa naman siya,” sey ng sisteret ni Toni Gonzaga.

Na sinagot naman ni Luis na…

“@cathygonzaga — akala mo ba paa ‘yung pic? Portrait mo yan.”

Yes, kahit maga ang paa, at alam mong may ­iniinda ang binata, nagagawa pa rin niyang magpatawa.

Pero, marami na ang naalarma sa mga kasunod niyang post. Naka-wheelchair at naka-cast na kasi ang kanyang isang paa.

Meaning, hindi basta-basta lang ang pilay, dahil sa post niya, baka raw maoperahan pa siya.


“So Yes, I have a fractured foot with quite a long healing time ahead of me with different casts plus chance that surgery might be needed… oh well… f*ck (wag kayong mag-alala, hindi ­naapektuhan kagwapuhan ko, relax),” sey ni Luis na nagpapatawa pa rin.

Pero, sa mga comments, mababasa mo na nag-aalala talaga ang mga relatives, friends at fans niya. Hindi kasi sila sanay kay Luis  na nasa ganung itsura.

Sanay sila sa Luis na puro patawa lang, at puro kalokohan ang pinu-post sa kanyang mga social media accounts.

Ngayon nga lang yata namin nakita si Luis sa akto na hindi kaaya-aya.

At siyempre, affected din ang dyowa niyang si Jessy.
“Kawawa naman ang love ko…” sey pa ni Jessy.

Anyway, sa ngayon naman ay ang The Voice Teens lang ang pinagkakaabalahan ni Luis.

SHARE