PACQUIAO GUEST OF HONOR SA ELORDE AWARDS SA MARSO 25

By
103

Nakatakdang dumalo si eight-time Division World Champion Manny Pacquiao sa gagana­ping 17th Gabriel ‘Flash’ Elorde Boxing Awards Banquet of Champions sa darating na Sabado (March 25) sa Manila Hotel.

Bilang Guest of Honor at Speaker, si Pacquiao na isa ng Senador ay pangunguna­han din ang mga awar­dees sa annual awards night kasama ang tatlong reigning world champions na parara­ngalang mga Boxers of the Year ng Class of 2016.

Sina Marlon Tapales, ang bagong bantamweight titleholder, IBF flyweight king Johnriel­ Casimero at IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas ang Boxers of the Year awardees.

Ang nasabing Awarding ay isa ring pagbibi­gay ng karangalan at pagkilala sa mga internatio­nal, Regional at Philippine champions sa 82nd birth anniversary ni undisputed world junior lightweight champion Da Flash mula 1960 hanggang 67.

Naging ‘Elorde Hall of Fame’ noong 2012 si Pacquiao, tatanggap siya ng Award of Distinction kasama si Donnie Nietes, (Elorde Hall of Famer, 2015).

Inaasahang pupuntuhin ni Pacquiao sa kanyang pagsasalita­ ang kanyang plano sa pagtatag ng Philippine Boxing Commission para sa ikabubuti­ ng mga boksingero sa bansa.

Si Laura Elorde, asawa ni  Flash Elorde ang mangunguna sa presentasyon ng major awards kasama ang special citations na best promoter (Jim Claude Manangquil), best referee (Danrex Tapdasan), best trainer­ (Jhun Agrabio), most promising boxer (Aston Palicte, WBO Oriental and IBF Superflyweight champion) at best fight of the year sa pagitan nina Kenny Demecillo at Rambo Lagos para sa WBF Asia bantamweight championship noong Hulyo 30, 2016 sa Cebu.

Hihiranging best male amateur fighter si Carlo Paalam, bronze medalist­ sa AIBA World Youth Championship.

Bibigyan ng posthumous awards sina Ronnie Nathanielsz, kilalang trimedia writer, commentator at analyst na nagco-cover ng boxing bouts kasama ang mga laban nina Flash Elorde at Pacquiao at  Thrilla in Manila at kapwa journalist Hermie Rivera.

Samantala, suportado ng COBRA, Hapee­ Toothpaste, Elorde Bo­xing Gyms, Contour Rehabilitation & Wellness,  Elorde Sports Center, Southpaw Bar & Grill, Philippine Amusements & Gaming Corporation (PAGCOR), Cast & Frame at Bai & Mig Party Favors ang Banquet of Champions.



SHARE