Una sa Balita

P2K dagdag pensyon, lusot na sa committee level

By
0 93

Umusad na sa House of Representative ang panukalang P2,000 dagdag sa pension ng mga Social Security System (SSS) pensioners matapos aprubahan na sa Committee on Government Enterprises and Privatization.

Matatandaan na ang P2,000 pension hike ay una nang na-veto sa termino ni da­ting Pangulong Noynoy Aquino sa katwirang P26B ang matatapyas kada taon sa pondo ng SSS subalit ngayong 17th Congress ay positibo ang mga mambabatas na tuluyan na itong maisasabatas.

Sa naganap na pagdinig kahapon sa Kamara na dinaluhan ng mga opisyal ng SSS ay naghain si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ng Motion for Omnibus Approval para sa 15 nakabinbin na meaures na agad na sinegundahan ni Sorsogon Rep. Evelina ­Escudero,

Iginiit ni Zarate na umaasa syang­ mabilis na maaprubahan sa plenaryo­ ang panukala gayundin ang Senate version para bago matapos ang taon ay malagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte, ani Zarate matagal nang hinihintay ng mga pensioners ang dagdag na ito kaya naman huwag na sanang biguin pa ng mga kapwa mambabatas.

Mabi-veto pa rin

Aminado naman si Surigao Rep. Prospero Pichay na maituturing na ‘popular bill’ ang pension hike pero hindi umano ito ang dapat na maging sukatan sa pagsuporta sa panukala bagkus ay dapat tingnan ang survival rate ng SSS.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy