Advertisement

GIGI, MAGIGING STATE WITNESS BA O HINDI?

By Nina Boyet Jadulco, Juliet de Loza-Cudia at Dindo Matining    |   Posted on 1 year ago

Ito ang posisyon ni Communications Secretary Herminio ‘Sonny’ Coloma Jr. isang araw ma­tapos na bumalik sa bansa si Reyes nitong Sabado de Gloria matapos ang halos walong buwan na pagtatago sa ibang bansa.

“...kung sila po ay tu­tulong at ang kanilang pagpa­pahayag ay magbibigay-­liwanag sa usaping nasa proseso na ng batas, iyan po ang magi­ging daan sa pagkamit ng katarungan sa ating mga mamamayan sa diumano’y maling paggamit ng pondo ng bayan,” wika ni Coloma nang matanong sa isang radio program kung kakanta na si Reyes.

“Kung mayroon mang further developments ay nasa tungkulin na ng Department of Justice. Hindi naman tayo partikular na nagpo-focus sa iisa o iilan, ang layunin ng pamahalan ay magawaran ng katarungan ang sambayanan hinggil sa usa­ping ito,” dugtong pa niya.

Si Reyes ay kasama sa inirekomenda ng Ombudsman na kasuhan ng plunder at graft matapos na maging kasangkapan umano ni Enrile sa pagkuha ng kickback mula sa ipinagamit na Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng senador sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) ni Janet Lim-Napoles.

Naniniwala si Senador Miriam Defensor-Santiago na hindi babalik sa bansa si Reyes kung hindi ito mag-a-apply bilang state witness, lalo na ngayong nakapaglabas na ng re­solusyon ang Ombudsman kung saan nakita na may probable cause para kasuhan ng plunder at graft sina Enrile, Senators Jinggoy Estrada, Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., Reyes, Napoles at iba pang personalidad sa pork barrel scam.

Mula nang umuwi sa bansa sakay ng PAL flight mula sa San Francisco Inter­national Airport, hindi pa nagbibigay ng statement si Reyes.

De Lima, duda

Duda naman umano ang DOJ kung puwedeng pumasok bilang state witness si Reyes.

Ayon kay Justice Sec. Leila de Lima, hindi niya tiyak kung si Reyes, da­ting chief of staff ni Enrile, ay kuwalipikadong maging state witness.

“To me, it’s a big question mark. But then again, the decision lies with the Ombudsman,” ayon sa kalihim.

Sinabi pa ni De Lima na inaalam pa nila ang talagang dahilan kung bakit bumalik sa bansa si Reyes.

“Maybe it’s out of necessity because she felt she has ran out of options or out of self-preservation. Let’s just wait and see,” dagdag pa ni De Lima.

Hindi siya babaligtad! -- Jinggoy

Kumpiyansa naman si Estrada na hindi ba­baligtad si Reyes para idiin ang kanyang dating boss.

“Wala, matinong tao iyon [Gigi Reyes],” pa­­­ha­yag ni Estrada sa isang pa­nayam sa radyo kahapon.

Ayon pa kay Estrada, kilala niya umano si Reyes at hindi nito ugaling magdiin ng sinuman kaya’t hindi siya nag-aalala na iligtas nito ang kanyang sarili [Reyes] at ididiin sila ni Enrile sa naturang kaso.

“Alam mo ma­tagal ko nang kakilala si Atty. Gigi, at hindi niya karakter na magdiin,” ani Estrada na kasalukuyang nagba­bakasyon sa Amerika.

Puwedeng maging state witness! -- Miriam

Naniniwala naman si Santiago na puwedeng maging state witness si Reyes sa pork barrel scam case dahil hindi naman siya ang “most guilty” sa nasabing katiwalian.

“What’s important is that the person is not the most guilty. The most guilty, naturally, are the senators,” paliwanag pa nito.

For more updates and latest news, follow us & subscribe!
DISCLAIMER: Comments posted here do not represent or reflect the views of Abante Online. While we respect the opinions of our readers to exercise their right to free expression, we reserve the right to moderate comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with Abante editorial standards. Abante Online is not liable for any false information posted by readers in the comment section.
Advertisement
Back to Top

Most Liked

Advertisement
Advertisement