Una sa Balita

OH LABAN KA?!: MARIAN, ‘NILAIT-LAIT’ NG KAMPO NI HEART!

By
0 158

Kahit nagi-enjoy sa Santorini, Greece para sa kanilang bakasyon ng kanyang mister na si Dingdong Dantes at anak na si Zia, hindi pa rin ligtas sa kanyang mga bashers ang Primetime Queen ng GMA 7, si Marian Rivera.

Madalas mag-post ng kanyang OOTDs si Marian sa kanilang mga rampa sa pinupuntahang lugar sa Santorini.

May mga twining outfits pa nga sina Marian at Zia na kinagigiliwan ng lahat dahil cute tignan ang kanilang mga photos sa Instagram.

Pero may isang nakalusot na outfit ang aktres, dahilan para putaktihin siya ng kanyang mga bas­hers at pintasan nang husto.

Sa isa sa mga photos ni Marian sa IG, suot niya ang multicolored-long dress niya kasama pa ang kanilang baby at si Dindong. Kuha ito sa may port at nasa background pa nila ang dagat at isang yate.

These colors reflect my life in full bloom. ❤️

A post shared by Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) on

May solo photo pa ang aktres na parehong suot at naka-post pa siya sa isang hagdan sa lugar na pinuntahan nila.

Dito nakakuha ng rason ang bashers ng aktres para tirahin at pintasan ang kanyang kasuotan.

Sa IG account ni @looking_glass_86. Pinoste nito ang solo photo ni Marian at itinabi ang larawan ng isang shopping bag na hinashtag niya ng #tutubanbag.

Makikita naman sa photo ang halos pagkakaparehas ng mga kulay sa kasuotan ni Marian ma­liban nga lang sa mas malalaki ang stripes sa damit ng Kapuso star at walang white stripe sa sinasabing shopping bag.

Sabi ni @looking_glass_86 “what can I say?” na nilagyan niya ang mga humahalakhak na emoti­con.

Kinuha ito ng nasabing IG sa account ni @chande978 base na rin sa kasunod na caption niya sa caption niya ng photos.

“@regrann frop, @chande978 p #whoworeitbest #marianrivera #tutubanbag #fashionpulis. Thanks photo sender. #regrann.”

Halatang hindi Marian Rivera fan ang unang nag-post ng dalawang photos na si @chande978 at ang nag-regram nito na si @looking_glass_86 dahil malinaw sa intensyon nila na gawing katatawanan ang larawan ng Kapuso Primetime Queen.

Ang profile photo ni @chande978 ay larawan ni Heart Evangelista na naka-D&G white shirt habang hawak ang wine glass. Samantalang lahat naman ng mga larawan ni Heart ang nakalagay sa gallery ng account nito. Ibig sabihin, fan ni Heart ang dalawang ito.

Dahil sa posting na ito ng OODT ni Marian na inihahalintulad sa Tutuban bag, mababasa ang bangayan ng dalawang magkalabang kampo.

Ang fans ni Marian na nagtatanggol sa kanilang idolo at ang fans ni Heart na sinasabing mas sosyal ang kanilang idol.

Habang nagbabangayan ang kanilang mga kanya-kanyang fans, lalo lang lumalabo ang pag-asang magkakabati ang dalawang malaking stars ng GMA 7.

Wala rin namang nangangahas na mamagitan sa dalawa para magkaayos na at tigilan na ang isyu sa mga taong nakapaligid sa kanila na walang ibang ginawa kundi magpatalbugan sa kani-kanilang mga idol kung sino ang mas maraming mga mamaha­ling gamit, gaya ng koleksyon ng Hermes bags, international designers na mga damit, branded clothes at shoes, at kung sino ang mas sosyal sa pagdadala ng mga ito.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More