OH LABAN KA?!: JACKIE, ‘WALANG GANA’ SA LALAKE!

By

Wala nang nara­ramdamang lungkot o sama ng loob si Jackie Rice sa balitang ikakasal na ang ex-boyfriend niyang non-showbiz. Nakara­ting ang balitang engaged na ang ex-boyfriend niya sa isang non-showbiz girl din.

Halos walong taon itinagal ang relasyon ni Jackie sa nasabing ­la­lake. Ikatlo ito sa ­naging kasintahan ni Jackie sa buong buhay niya at pinakamatagal pa.

May isang taon na mula nu’ng maghiwalay sila nito na hindi niya sinabi ang rason. Pero, sabi ni Jackie sa interview namin sa kanya, hindi siya mag-aalangang dumalo sa kasal ng ex-boyfriend niya kung iimbitahan siya nito. Ang kaso mula nu’ng mag-break sila nito, ‘di na sila nagkausap pa.

Gusto ni Jackie na mapanatili ang friendship nila ng ex-boyfriend niya, dahil doon naman daw sila nagsimula. Pero, ‘yun na nga, hindi na siya kinakausap o kinukumusta man lang nito kahit sa text.

Suspetsa ni Jackie, selos ang dahilan kung bakit tuluyan na siyang dinedma ng ex-boyfriend niya. Baka nagseselos ang girlfriend nito ngayon sa kanya.

Ayon kay Jackie, naka-move on na siya sa nangyari sa kanila, pero hindi kami naniniwala dahil ­gusto pa nitong magkaroon ng tulay sa pagitan nila nu’ng lalake.

May paliwanag din si Jackie sa tanong namin kung bakit wala pa siyang boyfriend gayong ikakasal na ang ex-boyfriend niya.

Wala pa raw siyang ­ganang magmahal uli dahil baka hindi niya ito ma­bigyan ng time ngayong may trabaho na siya ulit.

Lead support ang partisipasyon ni Jackie sa bagong lalabas na serye sa Kapuso network, ang ­Pinoy adaptation ng Koreanovela na My Love From The Star, na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Gil Cuerva.


At sabi pa niya, ang gusto niya, kung sinuman ang susunod niyang boyfriend ay ‘yun na raw ang last, at pakakasalan niya.

GABBY, NAIINIS KAY ANDI!

May sagot si Gabby Eigenmann sa mga nagtataka kung bakit kahit magkagalit ­ngayon ang half-sibling niyang si Andi ­Eigenmann at Jake Ejercito (na ama ni Ellie) at may child ­custody battle ang mga ito sa korte, hindi naba­bali ang friendship niya sa guwapong anak ni Manila Mayor Joseph Estrada.

“Labas ang problema nila ni Andi sa pagka­kaibigan namin ni Jake,” sabi ni Gabby.

Walang bigat kay Gabby ang problema ni Andi kay Jake kahit kadugo niya ito. Ilang beses na raw kinausap ni Gabby ang dalaga at si Jake.

Hindi raw siya nagkulang na pangaralan ang dalawa, pero sila rin daw ang nasusunod sa mga gusto nila.

Hindi naitago ni Gabby ang pagkainis kay Andi nu’ng marinig ang komento ng katotong Ruel ­Mendoza, na sadyang matigas ang ulo ng kapatid.

Hindi na namin isusulat ang nasambit ni Gabby pero iti­nawa na lang nito ang pagkayamot kay Andi.

Paminsan-minsan ay nagkakausap pa rin sina Gabby at Jake. At wala namang masyadong ­masabi si Gabby tungkol sa current boyfriend ni Andi ­ngayon, kahit sinasabing mabait ito at inaalagaan ang ­kanyang pamangkin na si Ellie.

Sabi lang ng mahusay na aktor, kung saan maligaya ang kanyang younger sis, ‘yun ang importante sa kanila.

Nakakabilib ang pagiging cool-headed ni ­Gabby sa isyu ng kapatid. Mas gusto raw niyang maging positibo ang pananaw niya sa buhay.

Anyway, kontrabida nga pala ang role ni Gabby sa My Love From The Star.

SHARE