Pigilin si LeBron

NBA: MISSION IMPOSSIBLE?

BOSTON (AP) — Lahat ng ginustong gawin, ­ginawa ni LeBron James laban sa Celtics sa dominanteng panalo ng Cavaliers sa Game 1 ng Eastern Conference finals.

Halos wala siyang isinablay, umiskor sa labas, umaatake sa rim, hinahanap para subuan ang mga ­kakampi, at ikinadena ang scorers ng Boston.

Nawala na ang home-court advantage ng Celtics, must-win sila sa Game 2 ngayon.

Kailangang makahanap ng paraan ang Boston kung paano i-slow down si James. Dapat din nilang bantayan ang supporting cast para hindi sila makain nang buo. Sa Game 1, medyo mabagal ang suporta kay James maliban sa big game ni Kevin Love.

Heto ngayon ang problema ng Boston: Si James mismo ang nagsabi, wala pa daw siya sa peak pagkatapos ng 10-day layoff ng Cleveland sa pagitan ng rounds.

“I felt OK last night,” ani James noong Huwebes. “I knew I wouldn’t feel that great after the game, and I don’t feel that great right now… But I should be much better.”

Mas matikas pa sa 38 points, nine rebounds at seven assists? Good luck sa Boston.

Sa kabila nito, siniguro ni James na pinaghahandaan ng Cavs ang best shot ng Celtics sa Game 2.

“There’s going to be some adjustments made from both sides. We have to be ready for it,” aniya.

Bulto ng damage sa Game 1 ay kagagawan ng dalawang players lang – James at Love. May 11 points lang sa 4 of 11 shooting si Kyrie Irving, combined 2 for 8 sina sharpshooters JR Smith at Kyle Korver.


Kapag natalo pa ang Boston, mas mahirapan na silang ipanalo ang apat sa limang laro para kunin ang series. ‘Yun ay kung mapipigilan si LeBron. Pero ­impossible yata.

SHARE