NBA: Bulls umeskapo sa Celtics

264

CHICAGO, Illinois (AFP) — Isinalaksak ni Jimmy Butler ang go-ahead free throws at itakas ang Chicago Bulls laban sa Boston Celtics, 104-103, sa kapana-panabik na NBA game sa United Center, Biyernes (Manila time).

Mula sa 103-102, nakakuha si Butler ng foul buhat kay Marcus Smart habang nasa akmang magdya-jumpshot at kalmadong isin-wak ang charities sa hu­ling 0.9 seconds at selyuhan ang panalo at nagmintis si Al Horford sa kanyang baseline jumper sabay sa final buzzer.

Binura ng Bulls ang 10-point deficit sa pama­magitan ng 21-9 second half spurt, tungo sa 73-67 abante, 4:48 sa third period.

Pero nagawang dumikit ng Knicks sa tatlo, 81-78 papunta sa fourth quarter.

Sinimulan ni Kelly Olynyk ang atake sa fourth sa kinanang nine points, bago nagpakawala ng magkasunod na basket ina Terry Rozier at Isaiah Thomas tampok ang 8-2 run at nabawi ng Celtics ang abante, 94-92, 5:45 pa.

Naging see-saw battle ang sumunod na eksena.

Pero, isang malaking block shot ang ibinigay ni Butler kay Thomas na nagbigay ng tsansa sa Bulls na makontrol ang laro sa huling 50 seconds.

Bida si Butler sa kanyang 29 points at pag-akay sa Bulls sa 28-29 records.
May 29 points din si Thomas para sa Celtics (37-20).


SHARE