Navy boat sumaklolo sa isang tanker sa Zambo

By

ZAMBOANGA CITY — Mabilis na rumesponde ang isang Philippine Navy patrol boat sa panawagan ng tulong mula sa isang tanker na nasiraan sa gitna ng pelig­rosong karagatan sa lungsod na ito sa Mindanao.

Nabatid kahapon sa Naval Forces Western Minda­nao – sa ilalim ni Rear Admiral Rene Medina – na ang patrol boat, BRP Felix Apolinario na naka-deploy sa Zamboanga del Norte province, ay mabilis na nagtungo sa Zamboanga City upang hanapin ang barkong MT Denise 2 na nasiraan ng makina kamakalawa.

Natagpuan ito halos apat na milya sa Colorado Point at agad itong binantayan habang inaayos ng mga crew ang makina ng barko. Inabot rin ng ilang oras bago muling nakalayag ang barko na pag-aari ng Chelsea Shipping Corp. sa Taguig City.

Agad rin tumawag sa Philippine Navy si Captain Emilio Peralta, ang chief security officer ng kompanya upang magpasalamat sa mabilis na responde at tulong ng patrol boat.

SHARE