Nanikip ang dibdib, detainee patay

By
302

Patay ang isang detainee matapos magreklamo ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga sa loob ng detention cell ng Manila Police District-Police Station 8 kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni SPO3 John Charles Duran, ng Manila Police District-homicide section, ang biktimang si Romeo Valdez, 52, nakatira sa Tambunting St. Sta. Cruz, Maynila. Isinugod umano ang biktima sa San Lazaro Hospital noong Pebrero 14 matapos magreklamo ng pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga kung saan ilang araw pa itong naratay bago tuluyang binawian ng buhay.

Ang suspek ay naaresto noong nakalipas na buwan sa kasong paglabag sa R.A 9165 o illegal possession of illegal drugs.


SHARE