NANAY NI BARBIE, BOTO KAY IVAN

Ken, ipaglalaban si Barbie!

By
677

Barbie Forteza
Barbie Forteza

Kung ang reaksiyon ng mga fans ang pagbabasehan, seryosong-seryoso na ang kumpetisyon sa kung kanino ba dapat mapunta si Barbie Forteza sa Meant To Be? Kung mas kadapat-dapat ba siya kay Ivan Dorschner, o kay Ken Chan, o kay Addy Raj, o kay Jak Roberto?

Siyempre, kanya-kanyang ‘shout out’ ang mga grupo ng fans nila. Pero, mukhang mas aktibo sa lahat ay ang Team Gatas o VanBie (Ivan and Barbie), dahil maya’t maya ay gumagawa sila ng eksena sa social media, para mas mapag-usapan ang mga idolo nila.

At sabi pa, sa kanilang apat na mga lalake, mukhang si Ivan ang paborito ng nanay ni Barbie, ha! Sa show daw kasi ng cast ng Meant To Be, nakita ang mommy ni Barbie na todo-kuha ng video ni Ivan, habang kumakanta sa stage ang mestisong binata.

At nu’ng makita nga raw ‘yon ni Ivan, lumapit ito sa nanay ni Barbie at nagbigay-pugay! Kaya raw lalong lumakas si Ivan sa mommy ni Barbie.

Anyway, sa social media accounts ng nanay ni Barbie, in fairness, may mga videos din naman siya na sina Addy, Ken at Jak ang mga bida.

“@angeluloveskorean: Ayyyyiiieeeehhh bet na bet ni Tita Amy si Ivan para Kay Barbie.”

Jak, Ivan, Addy at Ken

But of course, hinding-hindi papayag ang mga fans ni Ken Chan sa ganiyan. Lalo na at may pa-effect si Ken sa Instagram account niya na…

“@akosikenchan: Gagawin ko lahat para sa’yo Billie @barbaraforteza. Hin­ding-hindi ako susuko #MTBMayTheBestManWin.”

At para naman kay Addy…

“@addyrajofficial: I like competing not to compete or to let anyone down, but to bring out the best in myself! – #AddyRaj #mtbmaythebestmanwin #goodvibes.”


Pero, paano naman ang mga maka-Andoy (Jak)?

Wish nga ng mga fans, wag lalamya-lamya si Andoy dahil napag-iiwanan na siya ng tatlo, ha!

Anong petsa na, Andoy? Kaya dapat daw, mas maging agresibo si Jak sa pag-eksena kay Barbie, ha!

Well, abangan ang susunod na kabanata…


SHARE