Mindanao, bantay-sarado kontra Jihadists

By
53

ZAMBOANGA CITY — Bantay-sarado ngayon ng militar at pulis­ya ang Mindanao matapos na mapatay ang isang dayuhang Jihadist at kasama nitong babae nang manlaban umano sa mga sundalo sa bayan ng Maasim sa lalawigan ng Sarangani.

Nakilala ang nasawing dayuhan na si alyas Abu Naila at ang babae na si Kadija, kapwa miyembro diumano ng Ansar-al Khi­lafah. Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang nationality nina Naila at Kadija o kung sila ba ay Indonesian o Malaysian.

Napatay ang dalawa kamakalawa bago pa man sila madakip ng mga sundalo at parak. Muntik pa umanong maibato ni Naila ang dala nitong granada sa mga tropa ng pamahalaan sa Brgy. Daliao kung saan ay nagtago ang dalawa.

Patuloy naman ang operasyon ng military laban sa mga miyembro ng Ansar-al Khilafah matapos na mapatay nitong Enero 5 ang lider ng grupo na si Mohd Jaafar Maguid sa isang beach resort sa bayan ng Kiamba sa naturang lalawigan.

Nasa mataas na alerto ang militar at pulisya sa posibleng ganti ng nasabing Jihadist group.


SHARE