Mga Kwentong OFWs: 250 OFWs dumating sa bansa

By

Aabot sa 250 overseas Filipino workers (OFWs) ang paninagong bilang na nakauwi ng bansa na nagpalista para sa 90-day amnesty program ng gobyerno ng Saudi Arabia na nagsimula noong Marso ng kasalukuyang taon.

Kamakailan, magkakasunod na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga OFWs mula sa iba’t ibang lugar sa Saudi Arabia.

Unang dumating sa bansa ang 35 OFWs mula sa Jeddah sakay ng Philippine Airlines Flight 663 dakong alas-7:10 ng umaga noong Mayo 18 na sinalubong nina Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Juliet Taguiwalo.

Sumunod namang dumating ang 19 OFWs mula rin sa Jeddah sakay ng Oman Air WY 843 dakong alas-9:50 ng umaga.

Makalipas naman ang 10-minuto o ganap na alas-10:00 ng umaga ay dumating pa ang 147 OFWs mula naman sa Riyadh sakay ng PR 655 sa NAIA Terminal 2 kung saan masayang-masaya ang mga ito sa kabila ng sinapit na hirap sa nasabing bansa.

Huli namang dumating ang 49 OFWs mula rin sa Riyadh sakay ng Cebu Pacific Flight 5J 741 dakong alas-3:30 ng hapon.

Tiniyak ng DOLE at ng OWWA Repatriation team na pagkakalooban ng tulong ang mga nasabing mga OFWs upang makauwi sa kanilang mga pamil­ya at mabigyan ng livelihood program ng ahensya.

SHARE