Mga Kwentong OFWs: 15 one-stop service centers ikinalat sa buong bansa

By

Umaabot na sa 15 One-Stop Service Center for OFWs (OSSCO) ang nakakalat sa 15 probinsya sa buong bansa na magagamit ng mga nagnanais na magsaayos ng mga papeles.

Tinukoy ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga itina­yong one-stop centers para sa mga Filipino na nais magtrabaho sa ibang bansa sa Manna Mall sa San Fernando City, La Union; City Tourism Office, sa Tuguegarao City, Cagayan; Baguio Convention Center, sa Ba­guio City; Clark Freeport Zone, sa Pampanga.

Gayundin, sa OWWA Regional Office 4A sa Calamba City; Robinson’s Place, sa Puerto Princesa City; sa Pacific Mall, sa Legaspi City; SM City, Cebu City; Robinson’s Place, Iloilo City; Ro­binson’s Place, Bacolod City; DOLE Regional Office No. 8, Tacloban City; Goodwill Center, Zamboanga City; OWWA ­Regional Office No. 10, Cagayan de Oro City; Butuan City Hall Complex, Butuan City at New City Hall, Koronadal City.

Sa pamamagitan ng OSSCO, maaaring mag-apply ang mga OFWs ng iba’t ibang dokumento mula sa mga ­ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of ­Foreign Affairs (DFA), POEA, Overseas Wor­kers Welfare Administration (OWWA), Technical Edu­cation and Skills Development Authority (TESDA), Professional Regulation Commission (PRC), Maritime lndustry Authority (MARINA), Home Development Mutual Fund (HDMF), Philippine Health lnsurance Corporation (PhilHealth), Social Security System (SSS), Philippine Statistics Authority (PSA), Bureau of Immigration (BI), National Bureau of lnvestigation (NBI), Commission on Higher Edu­cation (CHED), Tourism lnfrastructure and Enterprise Zone Autho­rity (TIEZA), Philippine National Police (PNP) at Bureau of lnternal Revenue (BIR).

SHARE