Una sa Balita

Metro Manila subway tatapusin bago mag-2022

By
0 91

Target ng Duterte administration na tapusin ang Metro Manila subway na lulutas sa problema sa trapiko bago mag-2022.

Ito ang inihayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade kaugnay sa planong pagtatayo ng subway system sa bansa.

Sinabi ni Tugade na kasama sa delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2-araw na working visit sa Hong Kong, ang subway ay may habang 23-25 kilometro at mayroong 14 stations.

Ang ambisyosong proyekto ayon pa sa DOTr chief ay tinatayang nagkakahalaga ng P290B – P300B na popondohan ng loan mula sa Japan.

Inaasahang mapipirmahan ang nasabing loan sa pagbisita ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na dadalo sa ASEAN-East Asia Summit sa Nobyembre.

Pagdudugtungin ng subway system ang business center ng Makati City, Pasay City at Taguig City.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy