May kasama

By
176

Araw araw na lang ay may kasamang dugo ang dumi ko. Tatlong beses akong dumudumi sa isang araw. Pero wala naman akong nararamdaman na sakit maliban sa paglabo ng aking paningin. Hindi ko alam ang gagawin ko at natatakot ako na baka cancer ito. — Edison.

***

Nakakatakot tingnan na may kasamang dugo ang dumi pero kadalasan hindi delikado ito. Ang ibig sabihin nito ay may problema ang digestive tract. Pumunta sa doktor upang malaman ang sanhi nito.

Kung ang dugo ay maitim, maaaring galing ito sa ulcer o ibang problema sa upper digestive tract. Kapag matingkad na pula o maroon ang kulay nito, ito’y sintomas ng problema sa lower digestive tract. Kadalasan hemorrhoids o almoranas ang sanhi nito.

Ang iba pang dahilan ng dugo sa dumi ay diver­ticular disease. Ang diverticular ay maliliit na ­pouches na madalas tumutubo sa large intestine. Kapag namaga ito, ang tawag dito ay diverticulitis at maaaring may kasamang dugo ang dumi.

Pwede ring mangyari ito kapag may anal fissure o punit sa tissue ng anus tulad nang nangyayari kapag may chapped lips ang isang tao. Ang dahilan nito ay matigas at malaking dumi.

Kapag may peptic ulcer o sugat sa tiyan o small intestine, may kasamang dugo rin ang dumi. Kada­lasan ito’y galing sa bacterial infection o sa matagal na paggamit ng aspirin, ibuprofen at naproxen.

Cancer is also a possibility na galing sa polyps o clump of cells sa colon. Another cause ay varicose veins sa esophagus – ang tubo na dumurugtong ng lalamunan sa tiyan.

Para makatiyak kung ano ang dahilan ng pag­dugo, magpa-checkup sa doktor para hindi ka kaba­han at makatulog ng mahimbing.

***


May problema ka ba sa kalusugan? Nais mo bang maliwanagan sa sakit mo? Mag-e-mail kay George Nava True II sa georgenavatrue@yahoo.com, mag-text sa 0935-972-0691 o mag-iwan ng message at i-like ang kanyang Facebook page Health Frontiers Online. Sasagutin niya ang mga tanong niyo dito. Si George ay beteranong health columnist at author ng 3 health books.


SHARE