MARCOS ARESTADO!

By
3535

Isinailalim na sa booking proceedings ng Phi­lippine National Police Criminal Investigation and Detection Group Regional Office in Eastern Visayas (PNP-CIDG-8) ang 19 na pulis kabilang si Supt. Marvin Wyn Marcos na isinasangkot sa pamamaril at pagpatay kay dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., matapos isilbi sa mga ito ang arrest warrants for murder na inisyu sa grupo.

Sinabi ni Chief Supt. Elmer Baltejar, Regional­ Director ng Police Regional Office- CIDG 8 na boluntaryo namang iprinisinta ng mga pulis ang kanilang mga sarili para sa kaukulang accounting at investigation.

Kabilang sa mga prosesong dinaanan ng 19 na pulis ay ang finger printing, documentation, mug shot at medical examination.

Ayon kay Beltejar sakaling matapos ang booking proceedings sa grupo ni Marcos ay isasauli na ang kopya ng warrant of arrest sa korte na nag- isyu nito kung saan inaasahang magpapalabas ng commitment order para sa kaukulang pag-kustodiya sa 19 ala­gad ng batas.

Sa dalawang warrant­ of arrest na inilabas ni Judge Carlos Arguelles ng Baybay City, Leyte RTC Branch 14 ay laban kina Marcos, Supt. Santi Noel Matira, Chief Insp. Leo Laraga, SPO4 Melvin Cayobit, PO3 Johnny Ibañez, Chief Insp. Calixto Canillas, Jr., SPO4 Jua­nito Duarte, PO1 Lloyd Ortigueza, Sr. Insp. Fritz Blanco, PO1 Bhernard Orpilla, Sr. Insp. Deogacias Diaz III, SPO2 Benjamin Dacallos, PO3 Norman Abellanosa, PO1 Jerlan Cabiyaan, Insp. Luc­recito Candilosas, SPO2 Antonio Docil, SPO1 Mark Christian Cadilo, PO2 Jhon Ruel Doculan at PO2 Jaime Bacsal.

Matatandaang isinangkot sina Marcos sa pagpatay kay Mayor Espinosa.


SHARE