Una sa Balita

Manila-Clark railway nakalinya na

By
0 137

CLARKFIELD, PAMPANGA — Ipinahayag ni Clark Development Corporation President Noel Manankil na aabot sa $4 billion na pondo ang ipantutustos sa mga nakalinyang imprastraktura sa Gitnang Luzon sa susunod na 5 taon.

Ito ang tinuran ni Manankil sa idinaos kamakailan na “Build Build Build Clark Development Stakeholders Roadshow” conference sa Royce Hotel dito na dinaluhan ng mga local officials mula sa Gitnang Luzon.

Kabilang sa mga proyekto ang Manila-Clark railway na gumagarantiya ng isang oras na biyahe mula Metro Manila patungong Clark International Airport.

Kabilang din ang Subic-Clark Cargo Railway Project na mag-ugnay sa Subic Port patungong Clark Freeport.

Ang pinaka-aabangang konstruksiyon ng kauna-unahang world class airport na Clark ­International ­Airport New Terminal Building na magiging ­alternatibo sa overcrowded na mga NAIA terminals.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy