Magnitude 7.2 tumama sa Sulu

By
51

Niyanig kahapon ng magnitude 7.2 na lindol sa ilang bahagi ng Mindanao malapit sa Celebes Sea.

Sa earthquake bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (PHIVOLCS), tumama ang epicenter ng lindol sa 223 kilometro timog-silangan ng Tongkil, Sulu.

Naramdaman ang pag­yanig bandang alas-2:13 ng hapon at may lalim na 625 kilometro kung saan naitala ang Intensity 2 sa General Santos City.

Pagkaraan ng labin­dalawang minuto, tumama naman ang magnitude 4.9 na aftershock sa 236 kilometro ng Siasi, Sulu.

Naitala ang Intensity 2 sa Mati, Davao Oriental.

Bagama’t may kalakasan ang paglindol, pinawi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum ang pangamba ng publiko.

Ayon kay Solidum, walang banta ng pinanga­ngambahang tsunami dahil malalim at tectonic in origin ang sanhi ng lindol at wala rin umanong ina­asahang casualty o mga nasirang ari-arian.


SHARE