Magkaibigan patay sa aksidente

By
76

Kapwa nasawi ang isang magkaibigan na magkaangkas sa motorsiklo makaraang bumangga ang kanilang sinasakyan sa harang na bakal ng fly-over sakop ng Mac-Arthur Highway, Barangay Biniang 2nd, Bocaue, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Jordan Santos, 24, ng Barangay Wakas at Reymark Diaz, 23, ng Barangay Bagumbayan, kapwa sa ­bayan ng Bocaue na kapwa nasawi sa pinangyarihan ng aksidente matapos magtamo ng matinding sugat at pilay sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Napag-alaman na galing sa inuman ang magkaibigan nang maganap ang insidente dakong ala-una ng madaling-araw.


SHARE