LYCA, lumalaking maganda!

Pero, asal-kalye pa rin…

By

Ginulat ni Lyca Gairanod ang entertainment writers na ­dumalo sa presscon ng Tatlong Bibe dahil malaki na ang ipinagbago ng ­itsura niya.

Dalagita na si Lyca at lumalaki na ­maganda pero hindi pa rin nawawala ang pagiging street smart, base sa  mga sagot niya sa tanong ng mga reporter.

Nang sumali si Lyca sa Season 1 ng The Voice Kids Philippines noong 2014, na­laman ng televiewers ang kuwento ng mahirap na pamumuhay ng ­pamilya niya sa Tanza, Cavite na malaki ang kinalaman sa kanyang tagumpay sa sinalihan na singing competition ng ABS-CBN dahil umiral ang public sympathy.

Mula nang manalo siya sa The Voice Kids Season 1, malaki na ang ipinagbago ng buhay ni Lyca dahil nakatira na sila ng pamilya niya sa isang ­maayos na bahay. Ikinuwento ni Lyca sa presscon ng Tatlong Bibe na nakapagpundar na rin sila ng sasakyan.

Sa tanong kung naiinggit siya dahil marami nang nagawa na teleserye ang kasabayan niya sa The Voice Kids na si Juan Karlos Labajo, “hindi” ang sagot ni Lyca.

“Pantay-pantay lang po kami kung meron na ibibigay po sa amin, tatanggapin po namin,” ang sabi ni Lyca na isa rin sa mga contestant ng Your Face Sounds Familiar Kids.

SHARE