Laguna Lake overcrowded!

By
61

Overcrowded na sa mga fish cages at fish pens ang Laguna de Bay.

“Bagama’t normal ang aming panghuhuli sa ngayon, pero nababawasan ang fishing ground namin dahil sa mga illegal fish pens na itinatayo ng wala sa tamang pwesto”. Ito ang hinaing ni Aurelio Santiago, representative ng samahan ng maliliit na ­mangingisda sa Laguna de Bay na mayroon umanong 22 libong miyembro.

Ang 90,000-hectare (900-square-kilometer) na lawa napapalibutan ng mga bayan at lungsod ng lalawigan ng Laguna at Rizal ay ang pinakamalaking body of water sa buong bansa na halos 23 beses ang kalakihan sa capital city na Maynila.

Batay sa Section 51 of the Fisheries Code of the Philippines (Republic Act No. 8550), isinasaad na “hindi lalagpas sa 10 porsyento ng suitable water surface area ng lahat ng lawa at ilog ay inilalaan para sa aquaculture purposes katulad ng fish pens, fish cages at mga baklad.

Lumalabaas na ang kapasidad lamang ng Laguna lake na nakalaan para sa mga nabanggit na pampangisdaang paggamit ay 9,000 hektarya lamang.

Subalit sa pagdaan ng mga taon, ang area na nagagamit para sa mga fish pens at fish cages ay ­lumaki na sa 12,315.80, (as of June 30, 2016).


SHARE