I KNOW BETTER!: Liza at Iza, mga gandang bet na bet ni Harvey!

Harvey, Bistek na Bistek!

By

Ipinadama ni Mayor Herbert Bautista ang suporta at pagmamahal sa anak na si Harvey Bautista nang samahan niya ito sa birthday treat niya (HB) sa entertainment press na may kaara­wan mula Enero hanggang Marso.

Introducing sa horror movie na Ilawod si Harvey pero bago ‘yon, na­ging bahagi siya ng gag show na Goin’ Bulilit at nanalo na siya bilang Best Comedy Perfor­mer sa PMPC Star Awards for Television last 2015 para sa pagganap niya sa isang episode ng Wansapanataym.

Komo bata rin nagsimula bilang Bistek ng showbiz, payo niya sa anak ay maging natural lang sa pag-arte at isa-puso ang character niya sa pagganap. Na siya namang sinunod ng anak dahil sa unang movie, napabilib niya ang producer na si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films at director na si Dan Villegas.

Thirteen years old pa lang si Harvey at nag-aaral sa isang international school sa QC. Ayon sa kanya, gusto n­iyang maging director someday. Pero hindi pa rin niya isasantabi ang pagiging aktor.

Mahilig siya sa superheroes at sa movies ng ama, favorite niya ang Captain Barbell na ginawa. ‘Yun nga lang, pagdating sa crush, deadma sa kanya ang mga girls sa showbiz. Non-show ang nagugustuhan.

Pero open naman daw siya sa pagkakaroon ng loveteam. Eh, hindi pa pumasok sa isipan n­iyang sundan ang yapak ng ama sa pulitika?

“Pumapasok din po pero hindi muna sa nga­yon. In due time,” sabi ni Harvey.

Sa true lang, kuhang-kuha naman ni Harvey ang kasingkitan ng ama, at wish nga lang ni Bistek na mas tumangkad pa ang bata, na mukha namang tatangkad pa, dahil sa edad na 13 nga­yon, halos magkasinglaki na sila, ha!

Anyway, sina Liza Soberano, at Iza Calzado, ang mga babaeng nagagandahan talaga siya.
Kasama ni Harvey sa Ilawod sina Ian Venera­cion, Iza Calzado, Epi Quizon, Xyriel Manabat at Therese Malvar.

Edukasyon, mahalaga kay Bryan!

Mahalaga sa s­inger-actor na si Bryan Termulo ang edukasyon kaya swak sa kanya ang bagong adbokasiya ng Megasoft Hygienic Pro­ducts na School is Cool kaya siya ang piniling maging ambassador nito.


Graduate na ng Mass Communication si Bryan sa Trinity University of Asia bilang Dean’s Lister pero naisingit pa rin niyang kumuha ng supplementary education para maging teacher. Pinaghahandaan na niya ang pagkuha ng Board Exams para maging high school teacher.

Nagsimula last year ang School is Cool ng Megasoft. Nitong nakaraang Enero 9, nagsimula ang pagiging ambassador ni Bryan sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School sa San Pablo City, Laguna.

“Bryan is an excellent performer and has shown commitment to Megasoft’s ‘School is Cool’ advocacy. Not to mention his passion for education,” pahayag ni Aileen Choi-Go, Marketing VP of Megasoft Hygienic Products, Inc.

Todo naman ang pasasalamat ni Bryan sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Megasoft.

“I am very thankful to my Megasoft family for giving me an opportunity to experience all my passions in one event-education, singing, and travelling. More importantly, I can get to interact with our youth, know their aspirations and challenges and inspire them to reach for their dreams through education,” saad ni Bryan.

SHARE