Kinondisyon nila ang tao! …na demonyo ang dilawan

By
7210

“Inangat nila sa object of hate ang dilawan, kaya kinukundisyon nila ang lahat ng tao na demonyo itong Liberal Party (LP).”

Ito ang pahayag ni Magdalo Rep. Gary Alejano bilang reaksyon sa patuloy na pag-uugnay ng Duterte administration sa “dilawan” o LP na siyang nasa likod ng inihain niyang impeachment complaint sa Kamara laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Muling inulit ni Alejano na walang kinalaman ang LP at maging si Vice President Leni Robredo sa kanyang inihaing reklamo laban kay Pangulong Duterte.

“I’m not part of LP, I don’t agree with all the policies of LP during the time of PNoy. Sa pag-file ko walang kinalaman dito ang Vice President or even the LP. Kahit ‘yung ka-close ko sa Independent Minority sa House of Representatives hindi nila alam kaya nga ho right after, humingi ako ng dispensa,” paliwanag ni Alejano kasabay ng paglililinaw na ang kanyang ginawang hakbang ay solong desisyon ng Magdalo Group.

Samantala, minaliit din ni Alejano ang buweltang kasong falsification of documents na inihain ni Atty. Oliver Lozano laban sa kanya.

Aniya, hindi na siya nagtataka kung kasuhan man ni Lozano lalo at kilala umano ang abogado na sinususian sa likod.

Dagdag pa nito, na inaasahan na rin niya na mayroong hindi matutuwa sa kanyang ginawa dahil naging ‘fad’ o uso ngayon sa bansa na ‘ang mensahero ang inaatake sa halip na ang mensahe’.


SHARE