Ken Chan, palaban sa ‘abs’ nina Jak, Ivan at Addy!

By
297

Noong March 2016 pa natapos ang pinagbidahan ni Ken Chan na Destiny Rose at natagalan nga bago siya mabigyan ulit ng teleserye. Inabot ng higit na eight months bago siya isama bilang isa sa leading men ni Barbie Forteza sa Meant To Be.

Inamin ni Ken na mahirap siyang ihiwalay sa pagganap niya bilang transwoman sa Destiny Rose. Kaya pinahinga muna siya sa pagbida sa teleserye at puro guestings muna ang ginawa niya.

“Naintindihan ko naman ‘yung plano sa akin ng GMA 7. Opo at mahirap akong ihiwalay sa paglabas ko as Destiny Rose. Long after the teleserye was over, kapag nakikita ako ng mga tao sa mall, Destiny Rose pa rin ang tawag sa akin.

“Kaya yung impact na iyon, pinahinga muna nila. Pero nagkaroon naman ako ng guestings like sa Because of You at sa ibang shows ng GMA 7.

“Hindi naman po tayo pinabayaan at natuwa ako noong kunin nila ako as one of Barbie’s leading men sa Meant To Be,” ngiti pa niya.

Close si Ken kay Barbie dahil magkasama sila noong Tween Hearts days pa.

“I have to change my look bilang si Yuan Lee na masungit, galit sa mundo at med­yo rude kay Barbie.

“Kailangan unshaven ang look ko para malayo sa hitsura ko sa Destiny Rose. Tapos I have to gain weight and muscles. Kasi mga batu-bato ang mga kasama kong guys dito na sina Jak Roberto, Addy Raj and Ivan Dorschner.

“May mga abs silang tatlo. Kaya kailangan kong humabol talaga physically.

“Masaya ang grupo namin kasi we are always together sa mga eksena at pati promos. Nagkakatulungan din kami sa pag-arte. Kaya para kaming magkakapatid sa set.”



SHARE