Kanong wanted dinakma

By ,
58

Kalaboso ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Amerikano na wanted sa ­bansa nito dahil sa pagpatay matapos ang isinagawang ope­rasyon sa pinagtataguan nito sa Subic, Zambales.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang nadakip na dayuhan na si Yoshikoson Umeko Haddon, 28-anyos, ng mga tauhan ng fugitive search unit (FSU) ng ahensya.

Paliwanag ni Morente, naglabas ito ng mission order laban kay Haddon makaraang makatanggap ang impormasyon sa US embassy na kinansela na ng State Department ang pasaporte ng nasabing dayuhan kung kaya’t idineklara na itong ­undocumented alien.

Kasalukuyan nang nakadetine si Haddon sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa habang ini­hahanda ang deportasyon laban dito para mapabalik sa US.

Base sa record ng BI, naglabas ang US district court sa Virgina ng warrant laban kay Haddon noong nakalipas na Setyembre 2016 dahil sa kasong murder na kinasasangkutan nito.


SHARE