GABAY NG DIYOS

Transport group pabor sa RFID


Sa kabila ng umiinit na isyu hinggil sa suspension ng Radio Frequency Identification (RFID) Project ng Land Transportation Office (LTO), nakasuporta naman dito si 1-UTAK Party List Representative Vigor Mendoza kasabay ng paghahayag nito sa positibong epekto ng proyekto sa transport sectors sa mga susunod pang araw.


Naniniwala si Rep, Mendoza na ang bagong RFID project ay makakatulong para lalo pang mapaangat ang kita ng mga drivers oras na mabawasan ang mga colorum vehicles bukod pa sa mababawasan na rin ang traffic.


“It is about time that we reduce corruption and red tape in LTO through these modern RFID chips, to be installed in vehicles,” paliwanag ni Mendoza.


Taliwas naman sa alegasyon ng ilang sektor ng walang konsultasyon ang nangyari bago ang implentasyon sa proyekto, sinabi ni Mendoza na isa siya sa mga dumalo sa konsultasyon sa Quezon City at Cebu noong Pebrero taong kasalukuyan.

 

 
 
EXCHANGE RATE

 
Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
designed and developed by:
MIS Section